Monday, March 3, 2008

FG- Bagsak na naman ang rating??? editorial..


As i watch the 24 oras in GMA 7, hindi nawala sa pansin kong mapanuod ang balitang bagsak na naman sa SWS survey ang unang ginoo. And take note mga kababayan this is the worst scenario cases. Ayon sa survey last sept ay nakakuha na ang FG ng -31% total dissatisfaction. And now FG got another total -51% as of December. And we already know the reason why mga repapips.

Hindi bat nadadawit sila sa naunsyaming kontrata ng NBN o National Broadband Network Deal ng ZTE. Panu ba naman ayon sa ating pagkakaalam ay humigit kumulang sa US$130 million ang nasabing kontrata at biglang lumobo sa mahigit US$200 milyon. E sino bang magbabayad nun kundi kaming nandidito sa bansa ni Juan dela Cruz.

May ipinagkaiba ba ito sa "the most expensive highway sa Pasay ang Diosdado Macapagal Boulevard" hindi bat mas mahal pa yata ito sa ating NLEX dahil umabot ito ng mahigit isang bilyon. Maraming nag ingay dahil hindi naambunan ng komsiyon, ganun po ba yun mga repapips? Meaning hindi marunung mamamahagi si Manong Mike? hindi ba sila kapamilya o kapuso manong?

Ang tanung natin, ganito naba talaga ang garapalan sa gobyerno? Madaming nagraraly? gusto pababain si Ate Glo, eh sino naman ang ipapalit? isa ding sabik sa pwesto? ang tanung bababa kaya si Ateng Glo?

Eh kung nung hindi nga nakapwesto nagpilit pumuwesto? ngaun pang nakapwesto na sila...

Ganito talaga yata dito sa Pinas... Ang mga pulitiko ngaun hindi na pa Krus kung mag tanda pag pumapasok sa simbahan, pa hugis P naraw, ibig sabihin P as in Peso o Piso.

Kaya naman ang ekonomiya natin lalong bumabagsak dahil sa mga kagarapalan ng mga nasa pwesto.. Lalo tayong nababaon sa pandaigdigan utang.. At eto pa sabi ni Ate Glo napataas daw nya ang piso?? Heller!!! hindi po kami ipinganak kahapon.. ateng.. Bagsak lang po talga ang ekonomiya ng US at dahil lahat ay may hanganan. Ang US umabot na sila sa tinatawag na PEAK o tuktok ng nakaraang taon sa pag unlad so what do you expect po madam??

Eh di ang bumaba ulit tulad na ibang laws of FOREX na " history repeat itself "..

Kaya kayong mga nasa pwestong mga ganid, may hanganan din ang mga tulad nyo..

Tandaan nyo....Bilog ang mundo.....

No comments: